Buhay Mo'y isaakin, Hanggang wakas Jesus! Maging katugunan Ka Sa tanong kong lubos; Buhay Mo'y isaakin, Loob Mo ay sundin! Sana'y matanghal sa 'kin L'walhati Mong angkin. Ang Pakikiharap Mo, Ngayo'y isilahis,
Ang templo'y isinuko, Sa sala'y nilinis; Ang Pakikiharap Mo, gayo'y isilahis, At mula sana ngayon Itong kapulungan Ay maging alipin Mo, Na sunud-sunuran.
Mga kaanib nito Sa Iyo'y pasakop, Na sila'y nahahandang Sa Iyo'y maglingkod; Nananatili nang di Naliligaligan, Ni di nayayamot o Nanghihinayang man.
Nguni't sa kalayaan Ng katahimikan, Ang pas'ya Mo'y hintay ko, Kung ako'y kailangan. Buhay Mo'y isa-akin, Hanggang wakas Jesus! Maging katugunan Ka Sa tanong kong lubos.